“Inggit at selos”
Ang
panganay kong kapatid siya’y pinagmamalaki
Ang
kapatid kong pangalawang panganay, siya’y pinagmamalaki
Ang
aking ate, siya’y pinagmamalaki
At
ako, ni kahit kalian hindi pinagmalaki
Bakit
tanging ako lang ang hindi nila pinagmamalaki
Lagi
na lang ang mga kapatid ko ang kanilang panagmamalaki
Subalit
ako ang kanilang bunsong anak at kapatid ay hindi man lang maipagmalaki
Bakit,
dahil ba naiiba ako sa kanila ?
Oo,
malaki sila, ako maliit
Ako
na ang pinaka maliit sa aming magkakapatid
Oo,
matangos ang kanilang mga ilong, ako pango
Ako na ang pango, ako na ang hindi matangos
ang ilong
Sadyang
ako lang mataba, pandak, at kulot
Lagi
na lang ako ang pinagtitripan pag magkakasama na kaming apat
Ngunit
bakit ganon? Yun lang ba ang dahilan?
Yun
lang ba ang dahilan kung bakit hindi nila ako maipagmalaki
Oo,
naiinggit ako sa kanila, kase pinagmamalaki sila ng aking magulang
Ako,
‘di ko alam kung ipinagmalaki na ba nila ako
Dahil
ba hindi nila ako laging kasama sa bahay
Dahil
ba hindi nila nakikita ang mga ginagawa ko sa paaralan
Oo,
siguro kaya hindi nila ako maipagmalaki
Dahil
hindi nila alam at nakikita ang aking aginagawa
Hindi
nila nakikita kase malayo ako sa kanila
Pero
kahit ganon, sana naman isang araw maipagmalaki na nila ako
Pag
nagkukwento ako tungkol sa paaralan, wala silanh imik
Pag
kinukwento ko ang mga nangyayari sa akin, wala silang imik
Pag
kinukwento ang mga aktibidad na ginagawa sa paaralan, wala silang imik
Pag
sumasali ko sa mga aktibidad at nananalo, wala silang imik
Pero
pag ang ate ko na ang nagkukwento, agad-agad may reaksyon sila
Pag
ang ate ko na ang nagkukwento sa mga nangyayari sa kanya,
Nasa
kanya lahat ang mga tenga nila
Peo
pag ako na, wala na. kaya pag minsan, ayaw ko ng mag kwento sa kanila
Pag
may lakad laging sinasama ang aking ate
Pag
may okasyon at pag may bibilhin
Agad
sinasama ang aking ate
Pag
sinabi kong ako na lang ang sasama, ayaw nila
Baki
parang ayaw nila akong kasama
Bakit
parang wala silang tiwala sa akin
Hindi
ba ako mapagkakatiwalaan
Wala
ba silang tiwala sa akin
Ang
dami kong tanong
Gusto
kong malaman ang sagot sa aking mga tanong
Pakiramdam
ko hindi nila ako tunay na anak
Ano,
paborito nila ang aking ate ?
Isang
araw may tinanong ako sa aking inay
Sabi
ko ‘ma, mahal mo ba ako?’ sabi niya ‘ano ka ba! Syempre oo’
Sabi
ko ‘bakit parang si ate na lang lagi ang gusto mong kasama
At
parang mas mahal mo siya, kaysa sa akin?’ hindi na nagsalita pa ang aking inay
Pero
kahit ganon ang nangyari
Kahit
hindi nila ako maipagmalaki
Kahit
hindi nila ako masyadong pansin
Mahal
ko pa rin sila, ang ate ko, mga kapatid ko, at ang aking magulang
Kahit
marami ng nangyari sa aming pamilya
Nagpapasalamat
pa rin ako sa panginoon
Dahil
kung hindi dahil sa kanila
Wala
ako ngayon dito sa mundo
Kahit
ganon, nagpapasalamat ako dahil kami’y inalagaan
Hindi
nila kame pinabayaan
Lagi
silang nandyan pag may problema
Dahil
walang sawang pag suporta sa amin
Walang
sawang pagtataguyod sa amin
Salamat
po kase nagppkhirap kayo para kami’y mapag-aral
Salamat
po sa lahat ng pagod, hirap at pawis na inilan ninyo sa amin
Pag
may trabaho na kame, kayo naman ang tutulungan namin
No comments:
Post a Comment