Monday, September 28, 2015

"elementary"

“Elementarya”

Nang nag-aaral ako ng elementarya
 naglalakad din ako papunta sa aming paaralan
Hindi na ako nagpapahatid pa
Sa panahon kase ngayon nagpapahatid pa ang mga estudyante

Marami akong natutunan sa elementarya
Nagpapasalamat ako sa aking mga guro
Marami mang umalis, marami naman ding pumalit ng bago sa kanila
Kahit yung mga iba naming guro ay nagpapamasahe lang

May mga guro naman na habang nagtuturo sila nagpapamasahe sila
May mga guro na ipapadala yung aklat mo at magpapalecture lang sila
Meron din namang guro na masipag talaga
Meron ding guro na tinatawag nilang “favoritism”

Kahit maraming iba’t-ibang klase na mga guro
May mga guro talaga na nagustuhan ko
Yung bang ituturing ka nilang kanilang anak
At tuturuan kang mabute







Sa pag-aaral ng elementarya
Dito nagsisimula ang paghanga
Paghanga sa isang tao
Ito yung tinatawag na “puppy love”

Yung nagbibiruan dito yung mga naglalaro
 Walang masyadong ginagawa,
Tapos may mga programa kung saan nagtatanghal ang ibat ibang antas,
Tulad na lang ng Nutrition month, buwan ng wika, at marami pang iba.

Naalala ko pala may nag aaway sa mga kaklase ko,
Yung kaibigan ko nahuli yata siya nung kaklase ko na nagpapagawa ng takdang aralin
at mga aktibidad sa tita niyang guro,
Nagsunbongyung kaklase ko dunsa tita niya

Nagpunta ang tita niya sa room naming
Tapos nagsalita ang tita nya
Eh, sinabi ng kaklase ko yung totoo
Na nagpapagawa naman talaga siya ng takdang aralin







Wala namang laban yung kaibigan ko dahil ang kanyang kaharap ay guro
Nagsalita na naman yung tita
Parang pinagtutulungan nila yung aking kaibigan naroon din yung aming punong guro
Pati ang aming punong guro pinagalitan yung aking kaibigan

Ang masama pa doon, yung titan ang aking kaklase ay ninang pa nang aking kaibigan
Pagkatapos nang pangyayaring iyon
Walang imik ang aking kaibigan
At nasa sulok lamang siya, umiiyak

Pati kame ay napapaluha na sa sobrang iyak niya
Totoo naman ang sinabi ng aking kaibigan
Na nagpapagawa naman talaga siya ng takdang aralin
Ako mismo ang nakakita

Kasama ko kasing umuuwi ang aking kaklase
Pag may takdang aralin kame sasabihin niya sa akin
Na ipapagawa na lamang daw niya sa kanyang tita yung takdang aralin
‘Di ba dapat pag may gawin sa paaralan nagpapatulong, hindi yung pinapagawa mo sa iba





Sabi nga nila sa ingles
“Do your best and God will do the rest”
Pero yung sa kanya
“Show your assignment and your tita will do it all”

Sobrang nahiya yung kaibigan ko doon sa tita nang aking kaklase
Unang beses palang nangyari sa kanya
Sa ganoong sitwasyon
Makalaban mo yung guro

Sobrang hiya ang dinala ng aking kaibigan
Tama lang ang ginawa ng aking kaibigan
Para hindi na niya mauilit pa
At para maging patas ang laban

Magmula noon, wala nang nangyari pang ganoong pangyayari
Kung nagpapagawa man siya ng takdang aralin
O kung magpapagawa man siya ulit

Hindi na namin siya papansinin

No comments:

Post a Comment