Monday, September 28, 2015

ang aking mga kabarkada


“Barkada”

Dito ko rin nakilala yung aking barkada
Yung bang lagi silang nandyan
Kasama sa lahat ng mga kalokohan
At kasama sa lahat ng anumang bagay

Dadamayan ka sa lahat ng problema
Patatawanin ka nila pag ikaw’y malungkot
Lagi kayong magkakasama
Tag-araw man o tag-ulan

Yung kahit malayo sa inyo yung isa
Hindi niya parin kayo nakaklimutan
Yung lagi siyang gumagawa ng mga bidyo
 Doon na lang niya nilalabas yung pagkamiss niya sa amin

Pag uuwi siya dito, pupuntahan namin siya sa kanila
Dalaga na kame, alam na naming yung aming limitasyon
Bakit pag naglilibot kame, lagi siyang pinapagalitan ng knyang nanay
Agad nilang pinapauwi, pag naglilibot kame gusto nila hanggang dalawang oras lang siya



Pag hindi pa siya umuwi sa oras na iyon
Tiyak na msusundo siya sa kanyang nanay
Pero bakit hindi man lang niya pagbigyan ang kanyang anak
Minsan na nga lang siyang umuwi

At minsan nga lang namin siyang makasama
Parang pinagkakait niya sa amin ang aming kaibigan
Pero kahit ganun pa man
Ang aming kaigan ay sobrang mabait

Pag minsan hindi man niya sinusunod ang kanyang ina
Kahit na alam niyang mapapagalitan siya
Sasabihin pa niya sa amin
“hayaan ninyo, minsan lang mapapagalitan”

Pag kami’y namamasyal
Alam man o hindi ng aming mga nanay
Tuloy pa rin kame
Walang makakapigil sa amin kapg ginawa na namin iyon, dahil siguradong mapapagalitan din kame pag umuwi na kame






Pero kahit na kami’y mapagalitan
Ayos lang, basta’t kami’y naging masaya sa aming pamamasyal
Madalang lang kaming mamasyal
At madalng lang din kaming mamasyal ng kompleto ang aming barkada

Hindi mo kase maiiwasan na walang KJ sa mga magkakaibigan
Katulad na lang sa aming magkakaibigan
Kapag namamasyal kame hindi pwedeng kompleto kame
Kase yung isa naming kaibigan may paaka KJ siya

Yung bang tipong, minsan na nga lang umuwi yung isa naming kaibigan
Hindi pa siya sasama sa amin
Para bang kakilala niya lang kame kapag nandyan yung syota niya
Naiinis na kame sa kanya

Kase hindi man sila nagkikita ng kanyang syota  pag hindi nila kame kasama
Parang ginagawa niya kaming daan para lang lang magkita sila
Pag nagpapaalam siya sa nanay niya, sasabihin niya na pupunta kame dun sa kaibigan namen
Pero kapag naroon na kame, humihiwalay sila sa amin, umaalis sila







Gusto nga namin siyang pagsabihan
Dahil hindi na naming gusto ang kanyang ginagawa
Paano kung may nangyaring masama sa kanya
Kame ang alam nilang kasama niya

Tiyak na kame ang mananagot
Kaya kapag minsan, nagtitiis na lang kame kanyang sa ginagawa
Parang kame ang mapapahamak kapag may nangyari sa kanya
Nagtitiwala sa amin ang kanyang mga magulang

Oo, sumasama siya sa amin
Sapagkat pag minsan minsan lang iyon
Mabibilamg namin kung ilang beses namin siyang nakasama
Na hindi niya kasama ang kanyang syota

Pero kahit ganon, gusto pa rin naming magtagal na buo ang aming barkada
May naalis ng isa sa amin
Dahil sa kanyang ugali
Ayaw na naming mangyari pa ulit iyon







Pagkayapos ng elementarya
At bago magtungo sa sekondarya
Gusto mung naming umakyat sa entablado
Kasama ang aming mga magulang

Ito ang pinaka masayang parte sa pag-aaral
Ang makapagsuot nang mahaba na puting damit at may sumbrero at kasama ang iyong magulang
Tanging ito muna lamang ang regalo na maibibigay sa ating nanay
Na Makita ka niyang umakyat sa entablado

Dala-dala ang munting papel na bunga ng iyong pagsisikap
At kasipagan na iyong pinatunayan sa iyong magulang
Para makatungo nang pag-aaral sa sekondarya
Bawat kabanata ng iyong buhay ay may bunga ang lahat ng iyong paghihirap

Kaya salamat po sa mga magulang
Nagsisikap para mapag-aral ang kanilang mga anak
Makapagtapos ng pag-aaral

At makamit ang kanilang mithiin

"elementary"

“Elementarya”

Nang nag-aaral ako ng elementarya
 naglalakad din ako papunta sa aming paaralan
Hindi na ako nagpapahatid pa
Sa panahon kase ngayon nagpapahatid pa ang mga estudyante

Marami akong natutunan sa elementarya
Nagpapasalamat ako sa aking mga guro
Marami mang umalis, marami naman ding pumalit ng bago sa kanila
Kahit yung mga iba naming guro ay nagpapamasahe lang

May mga guro naman na habang nagtuturo sila nagpapamasahe sila
May mga guro na ipapadala yung aklat mo at magpapalecture lang sila
Meron din namang guro na masipag talaga
Meron ding guro na tinatawag nilang “favoritism”

Kahit maraming iba’t-ibang klase na mga guro
May mga guro talaga na nagustuhan ko
Yung bang ituturing ka nilang kanilang anak
At tuturuan kang mabute







Sa pag-aaral ng elementarya
Dito nagsisimula ang paghanga
Paghanga sa isang tao
Ito yung tinatawag na “puppy love”

Yung nagbibiruan dito yung mga naglalaro
 Walang masyadong ginagawa,
Tapos may mga programa kung saan nagtatanghal ang ibat ibang antas,
Tulad na lang ng Nutrition month, buwan ng wika, at marami pang iba.

Naalala ko pala may nag aaway sa mga kaklase ko,
Yung kaibigan ko nahuli yata siya nung kaklase ko na nagpapagawa ng takdang aralin
at mga aktibidad sa tita niyang guro,
Nagsunbongyung kaklase ko dunsa tita niya

Nagpunta ang tita niya sa room naming
Tapos nagsalita ang tita nya
Eh, sinabi ng kaklase ko yung totoo
Na nagpapagawa naman talaga siya ng takdang aralin







Wala namang laban yung kaibigan ko dahil ang kanyang kaharap ay guro
Nagsalita na naman yung tita
Parang pinagtutulungan nila yung aking kaibigan naroon din yung aming punong guro
Pati ang aming punong guro pinagalitan yung aking kaibigan

Ang masama pa doon, yung titan ang aking kaklase ay ninang pa nang aking kaibigan
Pagkatapos nang pangyayaring iyon
Walang imik ang aking kaibigan
At nasa sulok lamang siya, umiiyak

Pati kame ay napapaluha na sa sobrang iyak niya
Totoo naman ang sinabi ng aking kaibigan
Na nagpapagawa naman talaga siya ng takdang aralin
Ako mismo ang nakakita

Kasama ko kasing umuuwi ang aking kaklase
Pag may takdang aralin kame sasabihin niya sa akin
Na ipapagawa na lamang daw niya sa kanyang tita yung takdang aralin
‘Di ba dapat pag may gawin sa paaralan nagpapatulong, hindi yung pinapagawa mo sa iba





Sabi nga nila sa ingles
“Do your best and God will do the rest”
Pero yung sa kanya
“Show your assignment and your tita will do it all”

Sobrang nahiya yung kaibigan ko doon sa tita nang aking kaklase
Unang beses palang nangyari sa kanya
Sa ganoong sitwasyon
Makalaban mo yung guro

Sobrang hiya ang dinala ng aking kaibigan
Tama lang ang ginawa ng aking kaibigan
Para hindi na niya mauilit pa
At para maging patas ang laban

Magmula noon, wala nang nangyari pang ganoong pangyayari
Kung nagpapagawa man siya ng takdang aralin
O kung magpapagawa man siya ulit

Hindi na namin siya papansinin

Pansarili"noong bata pa ako"

“Pansarili”

Nung bata pa ako, siguro dalawang buwan pa lang ako noon
Dinala nila agad ako sa hospital dahil ako’y may maitim na bilog sa aking paanan
Nilalagnat ako, sabi ng doctor anemik daw ako
Nangailangan ako ng maraming dugo

Nang panahong iyon hirap silang humanap ng dugong O+
Nung nakahanap na sila
Maraming beses daw nila akong tinurukan ng malalaking karayom
Sa kadahilanang hindi nila mahanap ang aking ugat

Nagpapasalamat ako sa aking doctor
Na aking naging ninang, na siya ang nagpagaling sa akin
At sa tito ko, na nagbigay sakin ng kanyang dugo
Na aking naging ninong

Salamat sa panginoon, na binigyan ako nang pangalawng buhay
Salamat sa aking magulang, hindi nila ako pinabayaan
Hindi sila sumuko
At salamat dahil simula noon hindi na ako muling nagkasakit pa





Naalala ko nung ako’y bata pa
Nag-aaral ako ng kinder garten
Hindi nila ako hinahatid sa eskwelahan
Naglalakad lang ako papunta sa eskwelahan at pag-uwi sa bahay

Naglalakad ako ng mag-isa
Ang layo ng aming bahay sa eskwelahan
Binibigyan ako ng biscuits at inumin ng aking nanay at iyon na ang aking baon
Hindi na ako humihingi pa ng baon na pera

Hindi na ako nagpapahatid
Dahil alam ko na may ginagawa ang aking nanay at tatay
Ayaw ko na silang maistorbo
Dahil alam ko na din naman puntahan aming paaralan

Pag minsan naman pag may dumadaan
Isinasakay nila ako papunta sa aming paaralan
At pag minsan sinasabay ako ng mga tatay ng aking mga kaklse
Salamat sa kanila dahil sinasakay nila ako at sinasabay







Hindi ko makakalimutan yung nangyari sa akin
Noong oras na iyon nagtatanim ng halaman ang aking nanay may dala siyang itak para pagbungkal ng lupa
  Humihingi ako ng pera nang oras na iyon, tapos sabi ni nanay wala daw
Kaso kinukulit ko siya

Tapos inilipat niya yung itak sa kabila
Hindi namalayan ng aking nanay na sa paa ko pala nailagay yung itak
Kaya muntikan ng naputol yung aking hinlalaki ng daliri ko sa paa, sobrang nagdugo ang aking paa
Kaya hindi ako makalakad ng maayos

Konting konti na lang talaga at mapuputol na ang aking paa
Buti na lang at agad naitali ng aking nanay ang aking paa
At buti na lang tumigil na ang pagdudugo
Nung pumasok ako sa paaralan

Nung oras na nang pag mimeryenda
Natisod ako dun sa bato, sakto sa aking sugat
Nagdugo nang nagdugo yung paa ko, buti na lang nakita ako ng aking pinsan

Yun yung hindi ko makakalimutan

Wednesday, September 2, 2015

si Bunso

 “Bunso”

BUNSO, walang ginagawa, lahat ng gusto niya nakukuha, at hindi pinapagalitan
Karamihan sa mga tao, pag alam nilang ika’y bunso, yan agad ang iniisip
Sasabihin pa nila, ‘ay, buti pa ikaw bunso ka.’
Akala nila maganda ang maging bunso

Yun lang ang akala nila
Nagkakamali sila
Hindi biro ang maging bunso
Lahat na lang ng ipinapagawa nila sa mga kapatid mo, sayo ipinapasa

BUNSO, laging inuutusan, napapagalitan, pag inuutusan sila, ikaw ang tinuturo
Lagi kang pinagtitripan ng mga kapatid mo
Pag hindi ka sumunod, ikaw pa ang mapapagalitan
Pag may nagawa silang hindi maganda, ikaw pa ang sisisihin

Akala nila maganda ang maging bunso
Sasabihin pa ng mga kapatid mo sa nanay mo
‘bakit hindi mo utusan yung magaling mong bunso, porke ba bunso siya hindi niyo na uutusan’
Eh, ako naman lagi ang inuutusan nila.





Pag umuuwi ang mga kuya ko galling sa trabaho
Lagi na nila akong uutusan , syempre ako naman susunod sa kanila, kase natagal silang hindi umuuwi
Kaya pag nasa bahay na sila  ako na ang mapaparusahan
Pag ‘di mo pa sila sinunod ikaw pa ang mapapagalitan

Pag wala sila, gusto mo umuwi na sila
Pero pag nandyan na sila
Gusto mo magtrabaho na sila
Kase lagi ka nilang inuutusan

Pero kahit lagi ka nilang inuutusan
Kahit laging pinapagalitan
Nagpapasalamat pa rin ako kase sila ang nagging kapatid ko
Pag umuuwi sila ‘di nila kinakalimutan na bilhan ng pasalubong at tumutulong sa pagpapagawa ng aming bahay

Pag aalis na sila bibigyan kame ng pera
At salamat sa mga kuya ko dahil tinutulungan ang aming tatay at inay
Tinutulungan nila kame para makapagtapos ng pag-aaral
Masaya ako dahil hindi nila kame pinapabayaan kahit lagi nila akong inuutusan


Inggit at Selos

“Inggit at selos”

Ang panganay kong kapatid siya’y pinagmamalaki
Ang kapatid kong pangalawang panganay, siya’y pinagmamalaki
Ang aking ate, siya’y pinagmamalaki
At ako, ni kahit kalian hindi pinagmalaki

Bakit tanging ako lang ang hindi nila pinagmamalaki
Lagi na lang ang mga kapatid ko ang kanilang panagmamalaki
Subalit ako ang kanilang bunsong anak at kapatid ay hindi man lang maipagmalaki
Bakit, dahil ba naiiba ako sa kanila ?

Oo, malaki sila, ako maliit
Ako na ang pinaka maliit sa aming magkakapatid
Oo, matangos ang kanilang mga ilong, ako pango
 Ako na ang pango, ako na ang hindi matangos ang ilong

Sadyang ako lang mataba, pandak, at kulot
Lagi na lang ako ang pinagtitripan pag magkakasama na kaming apat
Ngunit bakit ganon? Yun lang ba ang dahilan?
Yun lang ba ang dahilan kung bakit hindi nila ako maipagmalaki





Oo, naiinggit ako sa kanila, kase pinagmamalaki sila ng aking magulang
Ako, ‘di ko alam kung ipinagmalaki na ba nila ako
Dahil ba hindi nila ako laging kasama sa bahay
Dahil ba hindi nila nakikita ang mga ginagawa ko sa paaralan

Oo, siguro kaya hindi nila ako maipagmalaki
Dahil hindi nila alam at nakikita ang aking aginagawa
Hindi nila nakikita kase malayo ako sa kanila
Pero kahit ganon, sana naman isang araw maipagmalaki na nila ako

Pag nagkukwento ako tungkol sa paaralan, wala silanh imik
Pag kinukwento ko ang mga nangyayari sa akin, wala silang imik
Pag kinukwento ang mga aktibidad na ginagawa sa paaralan, wala silang imik
Pag sumasali ko sa mga aktibidad at nananalo, wala silang imik

Pero pag ang ate ko na ang nagkukwento, agad-agad may reaksyon sila
Pag ang ate ko na ang nagkukwento sa mga nangyayari sa kanya,
Nasa kanya lahat ang mga tenga nila
Peo pag ako na, wala na. kaya pag minsan, ayaw ko ng mag kwento sa kanila







Pag may lakad laging sinasama ang aking ate
Pag may okasyon at pag may bibilhin
Agad sinasama ang aking ate
Pag sinabi kong ako na lang ang sasama, ayaw nila

Baki parang ayaw nila akong kasama
Bakit parang wala silang tiwala sa akin
Hindi ba ako mapagkakatiwalaan
Wala ba silang tiwala sa akin

Ang dami kong tanong
Gusto kong malaman ang sagot sa aking mga tanong
Pakiramdam ko hindi nila ako tunay na anak
Ano, paborito nila ang aking ate ?

Isang araw may tinanong ako sa aking inay
Sabi ko ‘ma, mahal mo ba ako?’ sabi niya ‘ano ka ba! Syempre oo’
Sabi ko ‘bakit parang si ate na lang lagi ang gusto mong kasama
At parang mas mahal mo siya, kaysa sa akin?’ hindi na nagsalita pa ang aking inay







Pero kahit ganon ang nangyari
Kahit hindi nila ako maipagmalaki
Kahit hindi nila ako masyadong pansin
Mahal ko pa rin sila, ang ate ko, mga kapatid ko, at ang aking magulang

Kahit marami ng nangyari sa aming pamilya
Nagpapasalamat pa rin ako sa panginoon
Dahil kung hindi dahil sa kanila
Wala ako ngayon dito sa mundo

Kahit ganon, nagpapasalamat ako dahil kami’y inalagaan
Hindi nila kame pinabayaan
Lagi silang nandyan pag may problema
Dahil walang sawang pag suporta sa amin

Walang sawang pagtataguyod sa amin
Salamat po kase nagppkhirap kayo para kami’y mapag-aral
Salamat po sa lahat ng pagod, hirap at pawis na inilan ninyo sa amin
Pag may trabaho na kame, kayo naman ang tutulungan namin