Monday, September 28, 2015

Pansarili"noong bata pa ako"

“Pansarili”

Nung bata pa ako, siguro dalawang buwan pa lang ako noon
Dinala nila agad ako sa hospital dahil ako’y may maitim na bilog sa aking paanan
Nilalagnat ako, sabi ng doctor anemik daw ako
Nangailangan ako ng maraming dugo

Nang panahong iyon hirap silang humanap ng dugong O+
Nung nakahanap na sila
Maraming beses daw nila akong tinurukan ng malalaking karayom
Sa kadahilanang hindi nila mahanap ang aking ugat

Nagpapasalamat ako sa aking doctor
Na aking naging ninang, na siya ang nagpagaling sa akin
At sa tito ko, na nagbigay sakin ng kanyang dugo
Na aking naging ninong

Salamat sa panginoon, na binigyan ako nang pangalawng buhay
Salamat sa aking magulang, hindi nila ako pinabayaan
Hindi sila sumuko
At salamat dahil simula noon hindi na ako muling nagkasakit pa





Naalala ko nung ako’y bata pa
Nag-aaral ako ng kinder garten
Hindi nila ako hinahatid sa eskwelahan
Naglalakad lang ako papunta sa eskwelahan at pag-uwi sa bahay

Naglalakad ako ng mag-isa
Ang layo ng aming bahay sa eskwelahan
Binibigyan ako ng biscuits at inumin ng aking nanay at iyon na ang aking baon
Hindi na ako humihingi pa ng baon na pera

Hindi na ako nagpapahatid
Dahil alam ko na may ginagawa ang aking nanay at tatay
Ayaw ko na silang maistorbo
Dahil alam ko na din naman puntahan aming paaralan

Pag minsan naman pag may dumadaan
Isinasakay nila ako papunta sa aming paaralan
At pag minsan sinasabay ako ng mga tatay ng aking mga kaklse
Salamat sa kanila dahil sinasakay nila ako at sinasabay







Hindi ko makakalimutan yung nangyari sa akin
Noong oras na iyon nagtatanim ng halaman ang aking nanay may dala siyang itak para pagbungkal ng lupa
  Humihingi ako ng pera nang oras na iyon, tapos sabi ni nanay wala daw
Kaso kinukulit ko siya

Tapos inilipat niya yung itak sa kabila
Hindi namalayan ng aking nanay na sa paa ko pala nailagay yung itak
Kaya muntikan ng naputol yung aking hinlalaki ng daliri ko sa paa, sobrang nagdugo ang aking paa
Kaya hindi ako makalakad ng maayos

Konting konti na lang talaga at mapuputol na ang aking paa
Buti na lang at agad naitali ng aking nanay ang aking paa
At buti na lang tumigil na ang pagdudugo
Nung pumasok ako sa paaralan

Nung oras na nang pag mimeryenda
Natisod ako dun sa bato, sakto sa aking sugat
Nagdugo nang nagdugo yung paa ko, buti na lang nakita ako ng aking pinsan

Yun yung hindi ko makakalimutan

No comments:

Post a Comment