Saturday, August 29, 2015




Ang aking mga magulang


Ang aking mga magulang
Sila ang aking inspirasyon sa aking pag-aaral
Sila ang iniisip ko kapag tinatamad akong mag-aral

At pag naiisip kong sila’y naghihirap ng husto
Para lang mabigyan kami ng sapat na baon, pambayad ng twisyon,
at mapakain sa isang araw ng tatlong beses
lalo ko pang pinagbubutihan ang aking pag-aaral

aaminin ko, lagimg nag aaway ang aking magulang
sa kadahilanang bisyo ng aking ita’y
problema sa pera, sa alak, at pati na rin sa pambabae
lahat na ata ng bisyo, ay natikman na ng aking itay

kaya huwag ng magtaka
kung hindi ko gaanong nakakasama
sa anumang okasyon,
at sa oras na hindi kami nagtatagal na kami lang dalawa





Dahil sa nakikita kong sinasaktan niya ang akng ina’y
Hindi man sa pisikal na pananakit, kung hindi sa emosyonal
Laging umiiyak tuwing pinagtataasan ni itay ng boses si inay
Lalo na pag galit na wala namang dapat ika galet

Nag away ang aking inay at itay
Noong pitong gulang palang ako. Lasing na naman si itay
 ‘bakit lasing ka na naman?!’ sabi ng inay. Nagsimula na silang magtalo
 sa dahilan na lagi sigurong nagsasalita si inay, kaya lalong uminit ang ulo ni itay

natutulog kaming magkakapatid
 biglang lumakas ng lumakas ang boses nila
at nagising kame, iyak ako ng iyak
kinuha ako ng aking inay, nagtago kame sa halaman

hinahanap kame ng itay at pag nakita kame
paniguradong masasaktan niya ang aking inay
pasasalamat sa diyos ng hindi kame nakita ni itay
dali-dali kaming pumunta sa tita ko at doon muna nagpalipas ng gabi




Dahil sa kagi na lang silang nag aaway
Muntikan na silang maghiwalay
Ngunit sabi nang inay
Kung hindi lang sa aming kanyang mga anak, matagal na kaming naghiwalay

Nagpapasalamat ako nang lubos sa aking inay
Hindi niya pinabayaan na mawalan kami ng itay
Ayaw niyang lumaki kami ng walang itay
Kahit lagi siyang umiiyak dahil kay itay

Alam kong sawang-sawa na si inay
Sa ginagawa sa kanya ng itay
Ngunit laging tinitiis ni inay ang lahat ng sakit
Sapagkat kame ang kanyang laging iniisip

Mula noon hanggang ngayon
Mula nung ako’y bata pa hanggang ngayon
Na malaki na kame at may isip na
Hindi pa rin maiiwasan ang kanilang pag aaway




Nag away na naman sila
Kasalukuyan kong nag aaral ng sekondarya
At nang pag-uwi ko sa bahay, bigla akong nagulat
Dahil pinapatago niya ang mga itak, at bigla na lang umalis ang inay

Palagi na lang silang nag-aaway
Dahil sap era nag-aaway,
Dahil sa babae nag-aaway
Sawa na akong nakakarinig sa mga away nila

May mga araw nga na nasagot ko sila
Dahilan na palagi silang nag-aaway
Pag nag aaway sila , mas gusto ko pang making ng mga musika
Kaysa sa naririnig ko ang mga boses nila

Yung bang malayo kana sa kanila dahilan ng ika’y naka boarding
Ilang araw ka lang umuuwi
Tapos kinabukasan nag aaway na naman sila
Minsan ka na nga lang umuwi tapos ganyan pa ang makikita mo sa kanila





Mula nung bata pa ako, boses na nila ang aking naririnig 
Nasanay na lang siguro kame sa kanila
Kaya kung mag-aaway man sila ngayon
Hindi na kame magtataka sa kanila

Dahil nasanay na kame
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayong
Matatanda na kame, nag-aaway pa rin sila
Naiisip ko nga kung hindi sila nahihiya sa amin

Aalis ako sa bahay, nag aaway sila
Pag dating ko sa bahay, nag aaway pa rin sila
Pero hanggang ngayon, parang hindi na sila masyadong nag aaway
Hindi tulad nang dati, walang araw na hindi sila mag aaway

Pag may nakikita akong masayang pamilya
Na hindi nag aaway ang kanilang mga magulang
Naiinggit ako, buti pa sila hindi nag aaway

Sana ganyan na lang din ang mga maguklang ko yung hindi nag aaway.

Ang aking Buhay na Hindi Malilimutan

Ang aking buhay na hindi malilimutan


Ang una sa lahat ako’y
Magpapakilala at ibabahagi
Ang aking buhay sa inyo na lagi
Kong dala-dala at hindi makakalimutan

Ang aking pangalan ay itatago ko sa pongalang Jessa
Labing anim na taong gulang
Sa ika-8 ng nobyembre ako’y maglalabing pitong gulang
At kasalukuyang kong nag-aaral sa unibersidad ng Magalang

Ang aking mga kapatid ay nakapagtapos na ng pag-aaral
Subalit ang isa ay nakapagtapos lang siya ng sekondarya
Ngunit kahit sekondarya lang ang natapos niya
Nagsisikap pa rin siya na matulungan ang aming pamilya

Nakapagtapos ng kolehiyo ang aking pangalawang kapatid
Sa kursong HRM, sa dalawang taon lamang
Nang naka graduate na siya agad-agad siyang
Nagpunta sa manila para maghanap ng trabaho




At ang nkatatanda kong kapatid na babae
Kasalukuyan pa niyang nag-aaral ng kolehiyo
Edukasyon din ang kanyang kurso
Dahil iyon ang gusto ng aming mga magulang

Sa totoo lang hindi naman tlaga edukasyon
Ang gusto naming kurso
Ngunit wala kaming magagawa
Sapagkat sila ang aming magulang

Alam ko para amin din iyon
Dahil alam nila na mataas ang sahod ng isang guro
At hindi lang iyon, makakatulong din ito sa mga bata
Na hangad nilang makapag-aral

Hindi ko pa nakikita ang aking sarili
Na nagtuturo bilang isang guro
Hindi rin siguro magtatagal
Matututunan rin naming mahalin ang aming kurso




Sabi nga nila “tanging edukasyon lamang ang maaaring
Ipamana ng inyong mga magulang sa inyo ng pang habang-buhay
 at walang makakakuha ninu man” kaya ngayo lalo ko pang mabuti
ang aking pag-aaral para makapagtapos ng pag-aaral,

para makapag trabaho ng matiwasay
 at makatulong sa aking mga magulang
ang tanging hanaad lang sa atin ng ating mga magulang
 makapag-aral at makapagtapos ng pag-aaral

dahil kapag nakapagtapos ka ng pag-aaral
 magbubunga lahat ang inyong paghihirap
kapag ikaw ay nagsikap ng husto
kaligayahan at kaginhawaan ng buhay

ang naghihintay sa inyong kinabukasan
 dahil sa iyong pagsisikap at paghihirap
 ika’y mabibiyayaan ng masaganang buhay
at maginhawang buhay


talambuhay

Masaya ako sa araw na ito dahil may nabasa ako na higit pa sa totoo
Isang talambuhay na nakapangyayari sa realidad
pag aari ng isang dalaga  aking hindi pa man nakikilala

Mula sa kanyang kwento ako’y napa ibig
Tila walang tugma at walang pigil
Tinatawag niya itong tula na patungkol sa kanyang sarili
Labis kong ikinagagalak ng makitaan ko ang kanyang pagkatao
Na inumpisahan niya sa kanyang pagpapakatotoo

Masalimuot, mahirap, mga bahagi ng buhay na tila kahit sino pa man ata sa atin ay meron tayo
Selos , pangungumpara bahagi ng salita na madalas mong Makkiita sa isang istorya ng pamilya
Barkada, pag ibig bagay na hindi pwedeng wala ninuman
Sa sulat niyang iyon nag uugat ng aral ang kanyang pag titiis….
Pero hindi lang iyon hawak ko ngayon ang magandang buhay na kanyang isinalaysay
Sa mga araw na maganda , masalimuot at higit sa lahat bagay na hindi niya malilimutan lalo na sa mga tanong niya sa kanyang pamilya na nagpaiyak ng kaonte sa aking mga mata

Ginagawa ko ngayon ay parang walang tugma , Malaya ako nakakapag isip Malaya kong pinipili ang makasulat ng ganito hiniling ko lang ang oras at pag unawa niyo

Kung gusto mong malaman ang kanyang nais
Basahin mo ang aking pag ibig

Ilalathala ko ito sa ilang mga sandali…